Filipinas Heritage Library                LibraryLink                Retrato                Himig                Trade Roots                Libros Filipinos
Home BIBLIOFILES
Bibliofiles

It's a Mens World

Maraming beses kang bubungisngis habang binabasa mo siya, pero ang humor ni Bebang Siy, malalaim ang pinaghuhugutan. Makikita mo sa aklat na ito kung paanong hinubog ng karanasan ang isang matatag, sensitibo, masayahin at matapang na babae. At napakalaking bagay na naisulat ang kuwento ng mga kababaihan (at kalalakihan na rin) sa librong ito, dahil hindi na rin nalalayo ang mga karanasan nila sa buhay ng mga taong nakapaligid sa atin. Itong libro ay patunay na it doesn't always have to be a man's world.

- Imê Morales (manunulat at nanay)

Tungkol sa Awtor

Si Bebang Siy ay ipinanganak sa Quirino, Maynila. Nanirahan sa Paco, Pasig, at Pasay, mga tigtatlong buwan. Nagkaisip sa Ermita. Lumipat sa Parañaque. Nag-aral sa Malate. Umuwi sa Las Piñas. Nagkolehiyo sa may bandang Philcoa. Nag-board sa may Kamias. Namamalengke sa Q-mart. Nagtatrabaho sa Mandaluyong. A, wala naman. Wala naman siyang plano gumawa ng mapa ng Metro Manila. Gusto lang niyang isalaysay sa iyo kung gaano kadugo ang ganitong uri ng mundo.

 

Product Details:
Format: Softbound
Publisher: Anvil Publishing, Inc.
Pub. Date: 2011
Category: Fiction
Price: PhP 180.00