Filipinas Heritage Library                LibraryLink                Retrato                Himig                Trade Roots                Libros Filipinos
Home BIBLIOFILES
Bibliofiles

May Nagsabi sa Akin: Mga Tula at Tuluyan

Ni Rofel G. Brion

Umuulan ng kataga,
nagmumunti-munting lawa
ng tula.

Guro si Rofel G. Brion sa Ateneo de Manila University. Nagtapos siya sa San Pablo Central School, Ateneo de San Pablo, Ateneo de Manila (A.B. Economics at M.A. Panitikan-Pilipino) at University of the Philippines (Ph.D. English Studies-Creative Writing). Nakapagturo na rin siya sa St. Joseph’s College, University of the Philippines, University of San Francisco, at Kyushu University.

Nagwagi siya ng unang gantimpala sa Gawad Galian sa Tula noong 1981 at ng National Book Award para sa una niyang aklat ng tula (Baka Sakali, Ateneo de Manila Office of Research and Publication) noong 1990. Pagkaraa’y inilathala ang dalawa pa niyang aklat ng mga tula (Story, University of the Philippines Press, 1997, at Sandali, Ateneo de Manila Office of Research and Publication, 2006).

Lumahok siya sa University of the Philippines National Writers Workshop (1984), Siliman University National Writers Workshop (1990), Hawthorden Castle International Retreat for Writers (1989 at 1994), University of Iowa International Writing Program (1991), Berlin International Literature Festival (2005), and Mildura Writers’ Festival (2009).

Product Details:
Format: Softbound
Publisher: University of Santo Tomas Publishing House
Category: Poetry